Malugod na pagtanggap mula sa PCBT
Maraming salamat sa inyong interes sa Perth College of Business and Technology
Sa ngalan ng aming dedikadong teaching faculty, nais kong samantalahin ang pagkakataong ito na ipakilala sa inyo ang aming kolehiyo. Naitatag noong 2008 ang Perth College of Business and Technology, isang Rehistradong Training Organisation sa Western Australia (RTO Code 52014). Ang PCBT ay nakarehistro rin sa Commonwealth Register of Institutions and Courses for Overseas Students (CRICOS Code 03051J). Sa madaling salita, ang ibig sabihin nito ay nagbibigay ng nationally recognised Business, Management and Hospitality courses ang PCBT sa mga domestic at international na mag-aaral. Sa PCBT, aming layunin na maihanda sa pagtatrabaho ang mga nagsipagtapos at manguna sa lahat ng sektor ng Business and Hospitality, pampubliko man o pribado. Ang PCBT ay dedikado sa pagtuturo sa mga lider ng ating kinabukasan. Ang paaralan at ang mga tauhan nito ay patuloy na pinauunlad ang mataas na kalidad ng mga kurso, na nagbibigay sa mga mag-aaral ng mataas na posibilidad ng oportunidad para sa kanilang kaalaman at kinabukasan. Kaakibat din nito ay ang pag-alalay sa mga mag-aaral sa pag-aadjustsa bagong kapaligiran. Ang aming mga dedikadong trainers at administration team ay tutulungan kayo upang maranasan at matuto sa mga bukod-tanging oportunidad habang nag-aaral kayo sa amin. Para sa ibang impormasyon tungkol sa aming paaralan o sa aming mga kurso, maaari lamang na makipag-ugnayan sa amin anumang oras.
Mr Ishtiaqh Ahmed
Chief Executive Officer
Bakit sa PCBT College?
- Kinikilala internationally ang mga kwalipikasyon
- Flexible schedules
- May pinakamura at makatwirang bayarin
- Maayos na lokasyon
- Maliit na bilang ng klase para sa indibidwal na atensyon
- Mataas na kalidad ng training mula sa mga eksperto at mababait na trainers
- Masaya at nakakaaliw na learning atmosphere
- Real industry practice and placement sa isang luxury restaurant & function centre
- Fully IT-equipped classrooms na may libreng WiFi
- Iba’t-ibang kultura ng mga staff, trainers, at estudyante
- Maasikasong administration team sa bawat oras na kailangan ng tulong
- e-Learning facilities
Mga Pasilidad sa Paaralan
- Fully equipped with internet/Wi-Fi and multimedia facilities.
- Tsa-a at kape para sa mga estudyante
- Printing facility para sa mga mag-aaral
- Fully equipped computer lab
- Common room with TV, Fridge, Microwave, Electric Kettle and Dining Facilities at silid-aklatan
- Interactive electronic boards and projectors
Platinum Restaurant and Function Centre
Matatagpuan sa: 28/386 Wanneroo Road, Westminster 6061 WA
Ang Platinum Restaurant & Function Centre ay isang ideal na lugar para sa mga engagement parties, binyag, social clubs, corporate and business functions. Isa itong lugar para sa isang maliit na business event para sa 50 katao, o para sa isang reception na kaya hanggang 300 katao. Ang Platinum Restaurant ay mayroong restaurant, licenced bar, alfresco area at fully functional Ball Room. 15 kilometro lamang ang layo nito mula sa Perth City, ang Platinum Restaurant & Function Centre ay matatagpuan sa corner ng Wanneroo Road at Amelia Street sa Balcatta na mayroong sapat na paradahan.
Mga Tulong at Serbisyo para sa Estudyante
- Pag-issue ng mga dokumento
- General welfare
- Tulong sa panahon ng emergency, suporta at referrals para sa mga estudyante sa sitwasyon ng krisis
- Gabay sa pagunawa sa mga patakaran at pamamaraan ng PCBT
- Gabay tungkol sa pagtatrabaho ng part-time habang nag-aaral
- Gabay tungkol sa akomodasyon at mga serbisyo para sa akomodasyon
- Tulong tungkol sa mga isyu sa OSHC
- Orientasyon para sa mga estudyante
- Gabay sa pag-aaral
- T support
- Industry reference
- Soft skills tulad ng pagsulat ng isang resume, interview techniques, at pag-unlad bilang isang propesyunal
- Language, literacy and numeracy support
- Mga aktibidad na makakatulong sa panlipunang pagsasama
CERTIFICATE III IN COMMERCIAL COOKERY
- Course National Code: SIT30813
- Course CRICOS Code: 082538J
DESKRIPSYON NG KURSO
Ang kwalipikasyong ito ay naglalarawan ng tungkulin ng mga commercial cooks na gumagamit ng malawakang saklaw ng mga kadalubhasaan sa pagluluto. Sila ay gumagamit ng diskresyon at mahusay na pagpapasya at may mabuting kaalaman sa mga gawain sa kusina. Sila ay nagtatrabaho nang mag-isa at minsan ay may pangangasiwa at maaari ring magbigay ng operational advice at suporta sa mga team members.
CERTIFICATE IV IN COMMERCIAL COOKERY
- Course National Code: SIT40413
- Course CRICOS Code: 082133G
DESKRIPSYON NG KURSO
Ang kwalipikasyong ito ay naglalarawan ng tungkulin ng mga commercial cooks na gumagamit ng malawakang saklaw ng mga kadalubhasaan sa pagluluto. Sila ay nagtatrabaho nang mag-isa at minsan ay may pangangasiwa at maaari ring magbigay ng operational advice at suporta sa mga team members.
DIPLOMA IN HOSPITALITY
- Course National Code: SIT50313
- Course CRICOS Code: 082134G
DESKRIPSYON NG KURSO
Ang kwalipikasyong ito ay naglalarawan ng tungkulin ng mga indibidwal na may kaalaman sa mga operasyon sa industriya at may malawak na managerial skills upang mapag-isa ang mga operasyon sa hospitality. Sila ay nagtatrabaho nang mag-isa, may responsibilidad sa kanilang kapwa at nagdedesisyon sa operasyon ng negosyo.
CERTIFICATE IV IN BUSINESS
- Course National Code: BSB40215
- Course CRICOS Code: 086961F
DESKRIPSYON NG KURSO
Ang kwalipikasyong ito ay naaayon sa mga nagtatrabaho bilang mga administrators at project officers. Sa tungkuling ito, ang mga indibidwal ay gumagamit ng mga well-developed skills at malawak na kaalaman upang magamit ang mga solusyon para sa mga unpredictable na problema atsuriin ang mga impormasyon galing sa iba’t-ibang batayan. Sila ay maaaring magbigay ng leadership at gabay sa kanilang kapwa na may limitadong responsibilidad.
DIPLOMA IN BUSINESS
- Course National Code: BSB50215
- Course CRICOS Code: 087236E
DESKRIPSYON NG KURSO
Ang kwalipikasyong ito ay naaayon sa mga nagtatrabaho bilang mga executive officers, program consultants, at program coordinators. Sa tungkuling ito, ang mga indibidwal ay nagtataglay ng mahahalagang karanasan ngunit hangarin pa rin nilang linangin ang kanilang mga kakayahan. Ang kurso ring ito ay naaayon para sa mga mayroong kaunti o walang bokasyonal na karanasan, ngunit mayroong panteoryang kaalaman at kakayahan sa negosyo at gustong pagyabungin pa ito upang makahanap nang mas maraming oportunidad sa trabaho.
ADVANCED DIPLOMA OF LEADERSHIP AND MANAGEMENT
- Course National Code: BSB61015
- Course CRICOS Code: 089937D
DESKRIPSYON NG KURSO
Ang kwalipikasyong ito ay naglalarawan ng mga tungkulin ng mga indibidwal na may specialised na kaalaman at kakayahan, at mayroong karanasan sa leadership at management. Ang mga indibidwal sa kursong ito ay gumagamit ng pangunguna at pagpapasya upang isakatuparan ang mga tungkuling leadership at management, na may pananagutan para sa mga resulta mula personal at grupo. Sila ay gumagamit ng cognitive at kaalaman sa komunikasyon upang makilala at matukoy ang mga impormasyon mula sa iba’t-ibang pinagkukunan at maisalin ang kalaman sa iba.
ADVANCED DIPLOMA OF MARKETING
- Course National Code: BSB60515
- Course CRICOS Code: 087573K
DESKRIPSYON NG KURSO
Ang kwalipikasyong ito ay naglalarawan ng mga tungkulin ng mga indibidwal bilang marketing directors, marketing strategists, at national, regional, o global marketing managers. Ang mga indibidwal sa posisyong ito ay nagbibigay ng leadership at strategic na direksyon sa mga gawaing marketing ng isang organisasyon. Sila ay tumutukoy, nagdidisenyo at nagpapatupad ng mga judgments gamit ang malawak na saklaw ng mga teknikal, malikhain, konseptwal at managerial na kagalingan.Ang kanilang karunungan ay base sa mataas na specialised o malawak sa larangan ng marketing. Ang mga indibidwal na ito ay malimit na may pananagutan sa mga nagawa ng grupo at sa kabuuang performans ng marketing sa isang organisasyon.
Mga Kinakailangan sa Pag-eenroll
Mag-aapply para sa isang sertipikong kurso sa PCBT?
Ang mga mag-aaral na nagnanais kumuha ng Certificate III at IV na kurso sa PCBT ay kinakailangang matugunan ang mga sumusunod na akademik at English language requirements:
Akademik:
Nakapagtapos ng Australian Year 11 o katumbas nito at nakapagpakita ng kaalaman, kasanayan, at karanasan sa larangan.
Kasanayan sa wikang Ingles:
Intermediate na antas ng Ingles o 5.0 puntos sa IELTS
o ibapang kinikilalang English Language tests katulad ng:
- TOEFL iBT Test Score of 35
- PTE Academic Test Score of 36
- Cambridge English: Advanced (CAE) Test Score of 41
- OET Pass Grade
- TOEFL PBT Test Score of 500
Mag-aapply para sa diploma/advanced diploma na kurso sa PCBT?
Ang mga mag-aaral na nagnanais kumuha ng diploma at advanced diploma na kurso sa PCBT ay kinakailangang matugunan ang mga sumusunod na akademik at English language requirements:
Akademik:
Nakapagtapos ng Australian Year 12 o katumbas nito at Certificate IV sa kaparehong larangan/disiplina at nakapagpakita ng kaalaman, kasanayan, at karanasan sa larangan.
Kasanayan sa wikang Ingles:
- Upper-intermediate Level of English o
- IELTS Test Score of 5.5 o
- TOEFL iBT Test Score of 46 o
- PTE Academic Test Score of 42 or
- Cambridge English: Advanced (CAE) Test Score of 47 or
- OET Pass Grade or
- TOEFL PBT Test Score of 527
Maaari lamang na pakitandaan ng mga nagbabalak mag-apply na kinakailangang matugunan ang mga English language requirements ng Department of Immigration and Border Protection (DIBP) para sa student visa applications, na maaaring kaiba sa mga nakalista sa itaas na requirements para sa pag-aapply sa isang kurso. which may differ from the aforementioned course entry requirements. Maaaring sumangguni sa www.border.gov.au upang malaman kung anong assessment level ang para sa inyong bansa at para malaman kung ano ang nararapat na level ng Ingles ang kinakailangan ninyo para sa inyong sarili.
Paano mag-apply
Bago mag-apply sa Perth College of Business & Technology:
Maaari lamang na siguruhing nabasa ang mga sumusunod na impormasyon na matatagpuan sa aming website na www.pcbt.wa.edu.au
- PCBT Pre-Application and Enrolment Policy Procedure
- PCBT Refund Policy and Procedure
- Deferment, Cancellation and Suspension policy and procedures
- ESOS Act
- PCBT Enrolment Agreement
- PCBT Students Handbook, including pre and post enrolment policies, procedures and forms
Proseso ng Enrolment
- Aplikasyon:
- Sagutan ang Student Enrolment form ng PCBT at i-send sa aming email na admissions@pcbt.wa.edu.au or
- ipadala ito sa: PO Box 6889 East Perth 6892 WA or in person at the College Admissions
Admissions Office
110 Brown Street, East Perth, 6004 WA - o mag-apply online sa www.pcbt.wa.edu.au, o magtanong sa isa sa aming mga registered education agents upang magabayan kayo sa pagsasagot ng application (Mabuting itanong muna sa kanila kung kailangan munang magbayad ng consulting fee)
- Letter of Offer:I-aassess ng PCBT Admissions ang enrolment application at mag-iissue ito ng letter of offer kapag ang application ay successful. Ang sulat na ito ay i-sesend through email sa loob ng 5 working days.
- Pagtanggap ng Offer:
- Pagbabayad ng Fee: Kailangang ideposito ang kabuuang halaga na nakasaad sa inyong offer letter at lagadaan ang Acceptance of Offer (agreement) bago ma-issue ang Confirmation of Enrolment (CoE). Ang mga bayarin ay maaaring ideposito sa mga sumusunod na bank account:
- Perth College of Business and Technology
- BSB 066110
- Account Number 10183309
- Swift Code CTBAAU2S
- Bank: Commonwealth Bank of Australia
Mga katanungan?
Tumawag sa aming Admissions Manager, Mr. Ryan Rahimi sa +61 415 950 322 / +61 8 9202 1003 o mag-email sa admissions@pcbt.wa.edu.au para sa mga katanungan.
Kung kayo ay mga katanungan o nais malaman tungkol sa student visa, maaari lamang na kumonsulta sa isa sa mga Australian Registered Migration Agents o pumunta sa www.border.gov.au
Kung nais ninyong makapanayam ang isa sa aming mga rehistradong Education Agents para mag-apply sa mga kurso sa PCBT, narito ang kanilang mga impormasyon.
Mga karagdagang dokumento na kailangan sa pag-aapply sa isang kurso sa PCBT:
Sertipikadong kopya ng iyong:
- Pasaporte
- Ebidensya ng English Competency
- Academic results from either high school or a qualification completed after high school
- Australian visa (if you already have one)
- If you would like to apply for Recognition for Prior Learning (RPL)/credit transfers, you will need to provide your previous and current study testimonials, statement of attainment, work experience details, current resume/CV or any other relevant documents, i.e. letters from schools or employers etc
- Overseas Student Health Cover (OSHC) (if you have already) ¬ Please note that international students are required to have OSHC for the entire period of their intended study in Australia.
Overseas Student Health Cover
Ano ang OSHC?
Ang OSHC ay isang insurance upang tulungan ang mga international students na matugunan ang kanilang mga gastusing medikal at hospital care na maaari nilang kailanganin habang sila ay nasa Australia.
Babayaran din ng OSHC ang mga limitadong benepisyo para sa mga pharmaceuticals at ambulance services.Sino ang may karapatan sa OSHC?
Ang mga overseas students na legal at pormal na nag-aaral sa Australia at ang kanilang mga dependents ang may karapatan sa OSHC.
Para sa purpose ng OSHC, ang ibig sabihin ng ‘overseas student’ ay:
isang tao na may student visa ;
isang tao na:
- nag-aapply para makakuha ng student visa; at
- may hawak ng isang bridging visa; at
- bago magkaroon ng bridging visa ay may hawak nang student visa
Ang Department of Immigration and Border Protection ay ino-obliga ang mga overseas students na panatilihin ang OSHC para sa panahong ilalagi nila sa Australia.
Ang PCBT ay isang selected Education Partner ng BUPA Insurance para magbigay ng Advantage Overseas Student Health Cover para sa mga mag-aaral nito.
Maaaring ayusin ang inyong OSHC sa pamamagitan ng agents o ng inyong sarili. Ngunit, kung kami ay naatasang iayos ang inyong OSHC para sa inyo at sa inyong pamilya, asahan ninyong ang pinakamahusay na OSHC rate ang maibibigay namin sa inyo.
Impormasyon tungkol sa Perth
Ang perth ay isang siyudad na may istilong Western, ito ay may populasyong mahigit sa isa’t kalahating milyong katao. Sila ay magiliw sa pagsalubong sa kanilang mga panauhin at estudyante mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Ang Perth ay hindi maikakailang isang siyudad na may maaliwalas na panahon, malinis na kapaligiran, mahinahong pamumuhay, at maunlad na ekonomiya Hindi lamang ito, sila rin ay may mahusay na work force na mahalaga para sa maayos na learning environment.
Mga Dapat Puntahan at Gawin sa WA
Bisitahin ang magagandang tanawin kagaya ng Pinnacles at The Bungle Ranges na mahigit 350 libong taon na, o magtungo sa magandang World Heritage na Ningaloo Reef.
Kahanga-hanga ang senaryo at maringal na puting buhangin, at malawak na uri ng mga hayop sa Australia mula sa mga buwaya hanggang sa mga kangaroos na hindi ninyo malilimutan ang karanasan.
Magdrive patungong timog kung gusto ng mas relaxing dahil sabi nga ng mga tao sa Perth, magaganda at award winning na ubasan at gawaan ng wine sa lugar ng Margaret River na tahanan din ng mga pinakamagandang surfing beaches sa mundo.
Ang Perth ang isa sa pinakamagagandang siyudad sa mundo na matatagpuan sa tabing-ilog ng Swab River na napaliligiran ng mga parke at dagat sa kabilang banda.
May katamtamang klimang Mediterranean, warm/dry kapag tag-init at cool/wet kapag taglamig na nagdudulot ng excellent living environment. Ang temperatura ay naglalaro sa 5-18C tuwing taglamig at 18-32C tuwing tag-init. At alam niyo bang ang Perth ay may halos 266 sunny days sa loob ng isang taon?
Sa kabila ng mataas na pamantayan ng pamumuhay, ang Perth ay may malinis, ligtas, at abot-kayang akomodasyon. Sariwa at kalidad ang mga pagkain at iba pang produkto mula sa buong Australia at pati na rin sa ibang bansa, lahat ay matatagpuan sa iba’t-ibang shopping centres at kainan.
Ang Perth ay isa sa may pinakamahusay na sistema ng mga ospital sa Australia. Ang mga ospital dito ay bukas anumang oras sa loob ng isang lingo, buong taon para sa pinakamagaling na pangangalagang medikal.
EDUKASYON
Ang Perth ay may naitatag nang magandang reputasyon sa buong mundo bilang isang destinasyon na dapat i-consider kung nagbabalak mag-aral sa ibang bansa.
Ang mga unibersidad at kolehiyo ay itinuturing at kinikilalang may world class na kalidad pati na rin ang kanilang mga teaching staff. Ang isang kolehiyo na rehistrado at kinikilala ng kanilang Gobyerno ay hindi lamang magbibigay ng pinakamahusay na kalidad ng edukasyon, kundi pati ang kwalipikasyon ay kikilalanin sa buong Australia.
PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON
Ang Perth ay may napakaayos na transportasyong pampubliko, may modernong bus, tren, at taxi na nasa serbisyo sa loob ng pitong araw sa isang lingo. Lahat ay konektado sa paliparan, at mga magagandang tanawin.
Sa Perth City ay LIBRE ang serbisyo ng mga bus. Ito ay upang malibot ng mga mag-aaral ang buong siyudad pati na rin ang mga kalapit nitong lugar nang walang binabayaran.
Ang mga International Students ay may karapatang magkaroon ng bus concession passes na nagbibigay ng discount sa pamasahe.
Para sa iba pang detalye, maaaring magtungo sa Transperth website: www.transperth.wa.gov.au/